Rated K

~Gusto mo bang makinig ng mga kwento?~

Alamat ng banana cue

A tangent, naturally, kasi naalala ko ulit. Na-try mo na bang makalunok ng isang buong saba ng banana cue? Grade 7 pa kami nito. Ghorl! Masakit siya sa esophagus fr fr. Kahit lampas dekada na lumipas, I can still feel it in mah throat bish. Tapos syempre ‘yung mga bungal kong kaibigan, mamamatay na ako, may gana pang magtanong ng, “Okay ka lang? Gusto mong tubig?” Natatawa pa sila niyan talaga. Mga dimunyu.

Paalala: ‘wag kayong tatawa habang kumakain ng banana cue at naglalakad sa kalsada. Lalo na kung wala kayong guardian angel. Mahirap na mabilaukan. Oki?

Sarah, magbalat ka ng patatas

Grade 7, research subject. Edi syempre ano bang malay namin diyan? Basta mag-research daw kami. May iba-iba raw kasing types ng research, one is invention. So kami ng groupmates ko, hanap kami topic. Tapos narinig namin ‘yung kabilang group na gagawa raw sila ng paper from saba peelings. ‘Yung isa naman parang dishwashing liquid yata from dalandan. Tapos ‘yung isa lemon battery. Grabe ‘no? Mga science high school students pa ‘yan, tas ganyan mga topics :D:D:D Nakakahiya talaga aahhh.

Sabi ng groupmate ko, may nahanap daw siya about potato battery. Sabi pa talaga namin, what a bright idea!

Since bawal same studies within the class, niask namin teacher namin. Tas okay lang naman din daw na parehong battery ‘yung topic, basta magkaiba ng prutas. Warafak. So eto na po, wala na pong atrasan. Yun so, bili kami materials. Patatas, alligator wires, tester – vogsh! Trifecta ‘yan sila. Ang funny talagaa huhu. So tinusok na namin ‘yung patatas with metal pin. Tapos kinabit namin ‘yung alligator wires and tester. Kamo may slight flickering pa sa reading sa tester kaming na-observe. Pero nawala rin agad. HAHAHAHAHAHAHA mga bobo. Malamang wala talaga dapat ‘yun.

Then ayan na nga. Results and discussion part. Sabi namin, hindi successful ‘yung experiment, therefore the null hypothesis is more accurate. HAHAHAHAHAHAHAHAHA bobo talaga.

Anyway, ayun. Di ko alam bakit kami pinabayaan ng teachers namin gawin ‘tong research na ‘to. Pero sabi ng teacher namin, dapat daw if hindi successful ‘yung hypothesis, mag-change daw ng variables. Hindi ‘yung irereport ‘yung null hypothesis WAHAHA. If alam lang nilang controlled experiment palang ‘yun. Meron kaming isa pang kabobohan pero nakakahiya talaga ireport. Kasi pinakuluan namin ‘yung patatas to compare sa controlled exp :D:D:D:D:D:D HUHUHU

Oh well, the things that happen when you leave science school kidz to their own devices :D:D:D

Disclaimer: The views and opinions expressed by the host are solely her own and do not necessarily reflect those of the school, its faculty, teachers, or any academic institution affiliated with the events described herein. Any questionable scientific methodology, questionable conclusions, or misuse of potatoes are entirely the responsibility of the host and her groupmates.

Ako ‘to si Natoy ‘yung nadulas sa tapat ng sbux

Galing kaming ZUS coffee ng workmate ko, so may dala kaming coffee. Walang bag, bale naka-egg tray lang. Eh biglang umulan ng malakas, as in one building away na lang kami from NEX tower. Sa may Sbux. Wala kaming payong ni beh.

Nag-huddle pa kami. Sabi namin, pagbilang ng 1,2,3, tatakbo kami sabay. Eh itong si beh, hindi pala full takbo while ako, full launch ng takbo. So in short, MALIIIIII :O:O:O

So, bilang nasa likod niya ako, nag-collision ako sa kanya. GHORL! Nadulas talaga ako. Sa harap ng madaming taong nakikisilong sa Sbux. Masakit siya, in fairness. Sa sobrang hiya ko, di ko na pinansin ‘yung mga nangamustang madla. OKAY?! Tapos na ang show. Okay na ‘yon.

Pero at least safe ‘yung kape. Meron din naman palang ganda ang buhay.

Trese s****. Elbi. Bow.

The Corn Experiment

The Unsolicited Moisture

Mga Pamosong Linya ni Ina

Nag-connect the Dots Kahit Walang Dots

Scalp Chronicles